So, kumusta naman... dapat yata "Summer Stress" na lang ang title nitong blog ko kasi tuwing summer lang ako nagpopost sa site na to hehehehe... Kasi nga naman, ngayon lang kami pinakawalan ng CPH after almost (nagbilang)... 5 months of super stress! At least, I was able to get out of it alive (and kicking LOLz) lalo na't medyo may mga kahirapan na ang mga majors. Sige, chronicles mode tayo at sasabihin ko na ang mga nangyari sa buhay-buhay recently:
1. NEW HOUSE! - Nakalipat na kami sa (finally!) sarili naming bahay sa Magnolia Place, sa Tandang Sora, QC. Makikita niyo naman ito sa net. Super dream house talaga kasi super ganda niya, and Gia and I both have our own rooms. Maganda ang mga amenities at malapit lang sa building namin, like a gym, an olympic-sized swimming pool, playground (ang pinakagusto ko sa lahat JOKE!), at clubhouse na may AV room at Game Room. I invite you all to visit! Party party!
2. Super Happy Ending for Super Stressing Majors - So, kinuha ko for this sem ay Pathology, Med Microbiology (Medical yan, hindi Medium), Nutrition, at Parasitology. Masaya sila lahat, at mas masaya pa nung nalaman kong exempted ako sa Med Micro kung saan meron lang naman kaming 6 exams for this sem na napakarami ang coverage. Ang hirap ata i-finals nun ah! Anyways, tapos na ang mga ito, kaya dapat rest mode na ako!
And finally...
3. Exciting PHriday Year-Ender! - The most climactic of all the climaxes sa aking life sa PH so far! Ang saya kasi super sayawan, fun, and inuman (I did not go beyond my limit) lang ang nandun. Isa ito sa mga pinaka-memorable events sa buhay ko na masusundan niyo through pics sa FB. I'll miss you, BSPH2012! Sayang di ako nakasama sa batch party after!
So yan, yun na muna happenings... Baka meron pa, so stay tuned for another post for Summer Stress!