So natanong niyo kung bakit ganyan yung title. Well, for starters, kaya ako hindi nakapagpost sa blog na ito for almost a week kasi marami akong pinapanood na series ngayon. May mga natapos ako, merong mga nasa ikalawang season pa lang, at meron akong gustong-panoorin-pero-hindi-lang-naman-ako-ang-tao-sa-bahay-at-ang-kapatid-ko-ay-may-mga-DVD-rin na mga movies. Ito ang mga yun:
1. Maid-sama (Kaichou wa Maid-sama sa manga)
- Tungkol ito sa isang babaeng school president na ang part time job niya ay ang pagiging cafe maid (sikat kasi ang mga maid cafe sa Japan). Masaya ang story na ito, nakakakilig at nakakatuwa. Natapos ko na ito hehehehehe
2. H2O: Just Add Water
- 3 girls who became mermaids after a lunar eclipse naman ang drama ng series na ito. Maganda kasi it is your typical teen series na gusto mong masundan, at nakulangan ako sa ganitong klaseng mga series nung 14-16 pa lang ako. Nung mga age kasi na yun ay wala naman akong ginawa kundi maglaro, so talagang naglalag ako sa pag-go-grow up. Ngayon ko lang na-a-appreciate ang mga series na ganito, kaya pagbigyan niyo na ako.
3. Sungkyunkwan Scandal
- Sabi sa akin, Korean version ito ng Hana Kimi pero old times ang setting, yung mga super naka-hanbok pa ang mga tao sa Korea. Gustung-gusto ko na panoorin ito, but for some reason, gusto kong unahing mapanood ang H2O season 2. Pero ok, sige, H2O could wait for later. I wanna start this na!
Ayan, so nagustuhan ko tuloy manood ng DVD ngayon dahil pinost ko ito. Catch you later, guys, at pupunta muna ako sa old Korea hehehehehe