hope.
maybe we're hoping for something, even bigger and better and nicer.


Isang Araw sa Buhay Ko
May 26, 2010

Okay, so welcome sa isa nanamang episode ng walang sawang kwentuhan sa 'Kwentuhang Stress' kasama ang inyong lingkod, Gino Lacsamana.

(O siya, sige na, tama na ang radio announcer intro. Magkwento na, now na!)

So, anu-anong bagay nga ba ang nangyari ngayong araw? Nung umaga, nagpunta nanaman ako sa ever-favorite kong Fitness First para mag-workout. Masaya kasi konti lang tao, hindi nakakastress kung talagang napapayugyog ng bonggang-bongga ang bilbil ko sa kakatakbo sa Rotex (FYI: Ang Rotex ay isang machine kung saan para kang tumatakbo, tapos may hawakan sa sides na nag-sa-side-to-side motion din pag tumatakbo ka na) tapos nagpunta ako sa taas na level para dun sa main workout. Pagkatapos nun, bumili na ako ng pagkain for my kapatid and I sa KFC at Tokyo-Tokyo (gusto daw kasi ng kapatid ko ng Hot Shots, okay carry lang, at ako naman for my walang kamatayang ninja wraps na beef at vegetable tempura) at kumain na rin pag-uwi ko. Pagdating ng hapon, naglinis na ako ng bahay, nagdilig ng halaman, at tinupi na ang sampay kasi nag-orogeny (short for mountain forming, o diba, thanks Dr. Marquez!) na ito sa sofa bed namin. So ayun, pagkauwi ni Papa ay may masarap na barbeque courtesy of Tom's at ang kapatid ko ay nagpakabundat sa Pixie's bangus. So ngayon, since tapos na lahat, not to mention na naka-experience din ako ng konting paglalaba, heto nanaman ako, nagkekwento sa mga mambabasang hindi ko alam kung ilan (o kung meron nga ba talagang mambabasa in the first place).

Randomness naman tayo. Alam niyo ba na may isang bagay akong natuklasan sa Facebook ngayon? Thanks to my BFF, Christine Grace P. Gamboa, nalaman ko na meron na palang English(Pirate) language na available sa language choices. Punta ka lang sa baba ng Facebook page, i-click ang English(US) at palitan ito ng English(Pirate) at matuwa sa pagbabasa ng messages at comments ng inyong mga "'ye hearties" at "mateys", pati na rin ang mga kalandiang pinaglalagay mo sa iyong "litany" at laruin ang paborito mong mga "arrplications". Hindi kayo namamalikmata. Totoo po ang nababasa ninyo, mga friends. Matino at tunay na language ang Pirate English, pero ano nga ba ang linggwaheng ito?

Sabi sa http://www.cindyvallar.com/lingo.html, ang mga pirata daw noon ay nagsasalita din tulad ng wika kung saan sila galing, yun nga lang, maraming jargon ang kanilang ginagamit, ang masama pa nito, iba-iba ang mga jargon na ito sa iba't-ibang bansang may pirata. So, pag nagsabi ka ng "Aaarrr!!" sa isang bansa, masaya ang ibig sabihin nun sa kanila, pero baka patayin ka na ng mga pirata sa kabilang bansa pag sinabi mo yun. Aaarrr!!

Doon sa site na ibinigay sa taas ay may mga words and phrases sa pirate lingo na pwede niyo ring gamitin kung may gusto kayong pag-tripan, kung gusto niyong magmukhang pirata, o kung talagang wala ka lang magawa, tulad nito:

"Dance the hempen jig!"

Sumayaw ka naman.

Pwes, nagkakamali ka.

Ang ibig sabihin niyan ay ang pagbigti ng mga pirata, kumbaga, ang salita na yan ay ginamit na lang na euphemism para maging mas light ang meaning. At least, alam mo na na dapat kang matakot pag sinabihan ka niyan ng isang pirata, dahil baka makita mo na si Lord in a few minutes.

O ayan! I hope may natutunan kayo ngayong araw (pero mukhang wala) sa isa nanamang post ko na kwentong totoo lang ang laman. Magpopost na lang uli ako bukas!






credits