Ayan, welcome sa mas pinabago at mas pina-enjoy na blog ko, na syempre may bago nang title, "Kwentuhang Stress"! Marami rin ngayong maiiba na mga bagay-bagay sa blog ko, di tulad ng dati na parang ginamit ko lang ang blog ko para mag-post ng mga super interesting events. Well, para maging masaya ang buhay nating lahat, ginawa ko na lang pointers ang mga main changes at mga nag-remain sa blog ko.
1. Ngayon, Taglish na si blog. Nakakastress kaya magsulat ng full English lagi noh, parang lagi akong gumagawa ng term paper pag magpopost ng entry! Kaya nga tinawag na blog eh... para malaya at masayang makapagsulat! Plus points pa para sa national language (pagbigyan niyo na ako, Taglish naman eh!)
2. Try ko talagang araw-araw magpost, as in! Kung may mga stories, tulad ng dati, post ko din para masaya, tapos mga comedy and stressing moments, lahat na, ISULAAT!! Marami na yatang nangyayari sa life ko ngayon, share ko rin sa inyo para happy tayong lahat!
3. As usual, hindi pa rin ako nakaka-get-over sa palagiang pagpapalit ng blog layout, kaya huwag niyong aasahang ito na ang layout ko forever. Wala akong pakialam kung mahilo kayo sa pabago-bagong layout, basta masaya ako sa pagbabago nito (joke lang, hahaha!)
4. Hmmm... ano pa ba, feel ko wala naman nang bago!
In the end, wala rin palang kuwenta ang paglalagay ko ng bullet form, may long explanation pa pala. At, hindi pa tayo nakakapunta sa main point ng paggawa ko nitong post. Syempre, kailangan kong muling magpakilala kasi nawala na lahat ng post ko (para ma-achieve ang full "pagbabago" effect!) so ito, mag-FAQ na lang tayo!
Q: Sino nga ba ang nagsusulat ng blog na ito?
A: Well, ang nagsusulat nito ay walang iba kundi si Gino Lacsamana, 18 years of age, taga-Quezon City (parang copy-paste lang ito sa profile ko ah!)
Q: Anong kabuluhan ang ginagawa ni Gino sa buhay niya?
A: Ngayon, incoming 3rd year BS Public Health student ako sa Unibersidad ng Pilipinas sa Maynila (3rd year.... tanda ko naaaaaa!)
Q: Ano ang mga gusto mong gawin?
A: Kung hindi ako nandito sa computer at nag-ba-blog, nasa PSP ako, naglalaro ng ever favorite ko na "Dungeon Siege: Throne of Agony". Kung hindi ako nasa PSP, nasa Fitness First ako for workout (kasi antaba ko na!) at kung wala talaga ako dito sa lahat ng nabanggit, nagiging masunuring bata ako, naglilinis, nagluluto, nagdidilig ng halaman, atbp.
Q: Okay, so bilib ako dun sa first part, pero yung second part, WEEEEEHHH!!!! Ginagawa mo talaga yun??!!
A: Hoy, oo noh! Sige punta kayo dito sa bahay para makita niyo!
Q: As in?
A: Totoo, promise, cross my heart!
Q: Ows?
A: Hay naku, bahala ka kung ayaw mong maniwala, basta alam kong totoo akong gumagawa ng household chores.
Q: Sige na nga, pagbigyan na kita. Moving on, ano ang plano mo sa buhay pagkatapos ng BS Public Health?
A: Since addictus ako sa degrees, gusto ko mag-Master of Public Health then on to DrPH. Masayang buhay ito (fake smile)! Tapos, pagkatapos ng Doctorate, mag-----
Q: Okay, next question. Bakit "Kwentuhang Stress" ang title ng blog mo?
A: Ahh, kasi lagi akong nalilink sa word na "stress". Lagi ko daw itong sinasabi sa school, sabi ng mga kaklase ko. Well, inaamin ko na lagi akong nagsasabi nito, pero hindi ito nangangahulugang lagi akong stressed. Alam niyo ba na may two types ng stress? Positive stress, which is "eustress" and negative stress, which is "distress". Pag nagsasabi akong "stress" 95% of the time ay eustress iyon. Hence the title, para madali itong ma-link sa akin ng mga mambabasa ko. Pangit din kasi kung "Kwentuhang Eustress" ang title. Nakaka-stress!
Q: O siya, sige na, inaantok na kasi ako. Ito last question, Jejemon ka ba?
A: Jejemon? Me? Of course not! Matino pa akong mag-spell noh! TuWlaD NitowW... DBa MatHiNow paH NmN PoUh I2nG SpElLinG nA ItowH? MaZayyA KaZC... (oops!) Pero seriously, di ako Jejemon. Jejebuster ako. Nakakahilo kayang mag-spell ng ganyan, masestress ka sa pagsulat pa lang, pag binasa mo pa, instant migraine na!
Ayan, natapos din ang matagal na Q&A. HnD B KaIoU Na-zStrezss? (oops again) Hala sige, sa pagpost ko uli, which is about a matter of a few hours from now. Magandang madaling araw sa 'Pinas, magandang gabi sa Saudi (kasi nandyan si Mama, miss you Mama!) at magandang araw/tanghali/gabi (underline the correct word for the timezone you're in) sa buong sanlibutan!