hope.
maybe we're hoping for something, even bigger and better and nicer.


Another Day of Randomness
May 29, 2010

So, naglagay-lagay pa ako sa biological planner (aka BRAIN) ko na magpost dito everyday or so, but it seems like I could not live up to the task. So, ayun, nandito uli ako, hoping na maka-keep up ako sa mga mambabasa ko kung anumang kabalbalan ang nangyayari sa buhay ko. Well, not ALL kabalbalan, pero syempre, maraming bagay na fun-fun lang at may mga seryosong bagay din akong nagawa for the past days.

Ngayong araw, I was able to help Papa sa paglinis ng bahay. Grabe, talaga palang super stressing ang maglinis ng bahay. Try niyo! Advisable siya sa mga tulad kong nasa 3 digits na ang weight (mapa-kilo man o pound) na gustung-gusto nang makabili ng damit sa Penshoppe, Bench, Oxygen, Human, at Marks & Spencer. Talagang tagaktak ang pawis mo sa pagwawalis, paglalampaso, at pag-aayos ng sari-saring furniture at pagtabi ng mga laruang kinalat ng kapatid mo sa sahig. Well, stressing siya sa una, pero super rewarding yung feeling mo sa huli, dahil para kang naging isa sa cast and crew ng isang show na lagi kong pinanonood sa local TV, ang "Clean House". Well, kung gusto niyo malaman kung anong show yan, magresearch na lang kayo sa net dahil tinatamad na akong ikwento sa inyo ang meaning nito (sorry naman, galing sa super aerobic workout si yours truly dahil sa paglilinis).

Sa panonood namin ng TV ngayong gabi, isang bagay ang natuklasan ko ngayong araw. Sobrang (as in SOBRAng) hooked ang buong pamilya ko pag nanonood ng kahit anong skating sports. Nagsimula ito nung nanood kami ni Papa ng figure skating kahapon. So na-amaze naman ako sa mga skaters, at nagkaroon pa ng time na ginusto kong matuto ng figure skating. Kaso nga lang, sa kalagitnaan ng pagde-daydream ko na nag-ti-triple loop at triple salchow sa yelo ay may tumigil sa aking isang malaking weighing scale na ang dial ay nakatutok sa aking current weight at nabiyak ang yelong kinatatayuan ko, making me fall back to earth. Marami pa akong excess pounds na kailangang mawala sa system ko bago pa ako mag-asam na makasali sa kung anumang sport ang gusto ko.

Moving on, ngayon naman ay nanood kami ng skateboarding (SKATEboarding) competition at talagang tinapos namin siya. Wow, so talagang hardcoare skating fans kami.

Nag-browser change din ako. Google Chrome na ang gamit ko ngayon. Nakakatuwa kasi mabilis din siyang mag-load ng pages at may extensions na siya, making my browsing life a whole lot easier. Nakakatuwa din ang mga theme niya, at ang minimal design niya na talagang functional sa pag-browse ng matiwasay. Try Google Chrome now, you may love it! (Sige na, i-advertise ang Chrome... veeery nice)

Birthday pala ni Mama yesterday. Na-send-an ko siya ng PowerPoint, at natuwa naman ako nung sinabi niyang natuwa siya sa nakakatuwang PowerPoint na natuwa ako sa outcome at kinatuwaan kong sinend (TUWA overload). Sobrang lakas din ng ulan sa amin kahapon, blessings siguro for Mama's birthday. Naramdaman niyo din ba ito? O sadyang sa Mindanao Avenue, Quezon City lang nagkaroon ng ganitong kalakas na ulan?

Oh, well.... ito pa lang naman ang kwentuhang stress na mai-she-share ko ngayong araw. Stay tuned for more! Goodbye for now!






credits