maybe we're hoping for something, even bigger and better and nicer.
Apr 9, 2011
|
So natanong niyo kung bakit ganyan yung title. Well, for starters, kaya ako hindi nakapagpost sa blog na ito for almost a week kasi marami akong pinapanood na series ngayon. May mga natapos ako, merong mga nasa ikalawang season pa lang, at meron akong gustong-panoorin-pero-hindi-lang-naman-ako-ang-tao-sa-bahay-at-ang-kapatid-ko-ay-may-mga-DVD-rin na mga movies. Ito ang mga yun: 1. Maid-sama (Kaichou wa Maid-sama sa manga) - Tungkol ito sa isang babaeng school president na ang part time job niya ay ang pagiging cafe maid (sikat kasi ang mga maid cafe sa Japan). Masaya ang story na ito, nakakakilig at nakakatuwa. Natapos ko na ito hehehehehe 2. H2O: Just Add Water - 3 girls who became mermaids after a lunar eclipse naman ang drama ng series na ito. Maganda kasi it is your typical teen series na gusto mong masundan, at nakulangan ako sa ganitong klaseng mga series nung 14-16 pa lang ako. Nung mga age kasi na yun ay wala naman akong ginawa kundi maglaro, so talagang naglalag ako sa pag-go-grow up. Ngayon ko lang na-a-appreciate ang mga series na ganito, kaya pagbigyan niyo na ako. 3. Sungkyunkwan Scandal - Sabi sa akin, Korean version ito ng Hana Kimi pero old times ang setting, yung mga super naka-hanbok pa ang mga tao sa Korea. Gustung-gusto ko na panoorin ito, but for some reason, gusto kong unahing mapanood ang H2O season 2. Pero ok, sige, H2O could wait for later. I wanna start this na! Ayan, so nagustuhan ko tuloy manood ng DVD ngayon dahil pinost ko ito. Catch you later, guys, at pupunta muna ako sa old Korea hehehehehe
|
Apr 6, 2011
|
So, na-shock ba kayo na nagpopost na ako uli na kasing active ng dati? Well, get used to it since it's SUMMER! Updates lang for what I did yesterday. Eto yung post ko sa forum na kinaaadikan kong pag-post-an (woohoo! Pokemon Philippines is <3) at i-e-explain ko one by one. 1. Ganyan talaga pag si Itay Melvin! Tinatawanan lang ang horror films ehehehehe - Forum stuff. I decided to revive the family tree dun sa site. I was so happy na marami uli ang nagnais (yes, Tagalog to the max ah!) na magkaroon ng link sa Family Tree. Sabi ko nga dun, Family Sapling na siya kasi it's growing! Siya yung naging tatay ko sa family tree, kasi ang bait bait niya sa akin lalo na nung 3 years ago at bagong member pa lang siya. 2. Yesterday, nagpunta kami sa Binondo to eat (grabe, sarap nung tofu at nung kangkong) and DVD galore afterwards. - Have you ever tried eating dun sa may estero doon? Yah, estero as in katabi niya yung ilog na medyo kulay dilaw na XD but anyways may masarap siya na food! As in, sobrang sarap! I ate fried tofu in garlic sauce, garlic kangkong (Guess how my breath smelled afterwards? Pwede na maging vampire slayer LOLz) at camaron rebosado (sort of like shrimp tempura). I thought the eating-like-it-was-the-end-of-the-world stopped there, but no, we had to go to Ho-land Hopia to buy MORE food! Grabe, how would all this food be gone? I say it'll take the whole of summer for us to finish that. I'm on a diet, so it means less of the consumption SHOULD be from me. As for the DVD galore, namili kami kasi sa Quiapo (I know, not a legit place to buy it but considering our family budget, I'd rather risk it) ng mga anime at Korean drama at hindi naman ako nabigo. I got a Sungkyunkwan Scandal, and I must watch it TODAY! I was also able to get Maid-sama and Pokemon series. So, yeah, I'll DVD this summer! 2. Gave back to my Dad the Acer 12" laptop and got what was originally mine, an MSI Wind 10"... - ...Which I'm using to post on this blog now. It's got nice specs anyways, and I got it upgraded to Win7 Ultimate. So medyo maganda na rin ang experience, parang hindi ko lang binigay yung Acer lolz 3. Also bought new curtains and pillowcases for my room, which I put on when I got home. - Masaya kasi I found out that the curtains and pillowcases we bought match my room perfectly! I've got a nice, white room now :D 4. Caught a Modest-natured Gothita (yey!) and now on to Driftveil City! (Pokemon Black) - Modest is a good nature for your Pokemon if you'll use it for Special Attacks, which is exactly how Gothita and its evolutions are. So yun, alam niyo namang mababaw lang ang kaligayahan ko, kaya tuwang-tuwa na ako sa ganun, at masayang paglalaro na naman ang na-experience ko. So, yan, yun na ang updates! Stay tuned for more!
|
Apr 3, 2011
|
So, kumusta naman... dapat yata "Summer Stress" na lang ang title nitong blog ko kasi tuwing summer lang ako nagpopost sa site na to hehehehe... Kasi nga naman, ngayon lang kami pinakawalan ng CPH after almost (nagbilang)... 5 months of super stress! At least, I was able to get out of it alive (and kicking LOLz) lalo na't medyo may mga kahirapan na ang mga majors. Sige, chronicles mode tayo at sasabihin ko na ang mga nangyari sa buhay-buhay recently: 1. NEW HOUSE! - Nakalipat na kami sa (finally!) sarili naming bahay sa Magnolia Place, sa Tandang Sora, QC. Makikita niyo naman ito sa net. Super dream house talaga kasi super ganda niya, and Gia and I both have our own rooms. Maganda ang mga amenities at malapit lang sa building namin, like a gym, an olympic-sized swimming pool, playground (ang pinakagusto ko sa lahat JOKE!), at clubhouse na may AV room at Game Room. I invite you all to visit! Party party! 2. Super Happy Ending for Super Stressing Majors - So, kinuha ko for this sem ay Pathology, Med Microbiology (Medical yan, hindi Medium), Nutrition, at Parasitology. Masaya sila lahat, at mas masaya pa nung nalaman kong exempted ako sa Med Micro kung saan meron lang naman kaming 6 exams for this sem na napakarami ang coverage. Ang hirap ata i-finals nun ah! Anyways, tapos na ang mga ito, kaya dapat rest mode na ako! And finally... 3. Exciting PHriday Year-Ender! - The most climactic of all the climaxes sa aking life sa PH so far! Ang saya kasi super sayawan, fun, and inuman (I did not go beyond my limit) lang ang nandun. Isa ito sa mga pinaka-memorable events sa buhay ko na masusundan niyo through pics sa FB. I'll miss you, BSPH2012! Sayang di ako nakasama sa batch party after! So yan, yun na muna happenings... Baka meron pa, so stay tuned for another post for Summer Stress!
|
May 31, 2010
|
Hello uli mga friends! Maraming nangyari this weekend, and they're all good things! Can't wait to share them to you! So, ito-ito yung mga yun: 1. Successful Shopping Day @ TriNoma: Grabe, so super namili ako ng mga damit sa favorite kong Penshoppe at Human. I was able to buy 2 tees from Penshoppe and 1 from Human. Wow, can't wait to wear them in my civilian weeks at PH! Ngayon ding time na to, na-realize ko na nag-mature na ako a bit. Dati, I used to like toys and other kiddie stuff. Ngayon, puro damit, shoes, and accessories na lang. Still have a hangover of childhood though, hooked pa rin ako sa Dungeon Siege and Avatar: The Game (newly loaded!) sa PSP ko at ang aking Pokemon sa DS, na sana mabilhan ko na ng either one of the two new versions: yung HeartGold at SoulSilver. Also can't wait for Pokemon Black and White! So kumusta naman, wishlist mode na ito! 2. Nice Worship Service at Day by Day with Pastor Ed Lapiz: So, the successful shopping day happened nung Saturday, so this was just yesterday (OK, nag-explain pa ako ahahaha). Pero ito ang hindi stressing na part ng post na ito kasi super ganda ng message ni Pastor Ed that blessed morning, which is about the fine art of sharing Jesus to others. I loved those parts na sinabi niya about starting a good conversation about Jesus, most especially telling us about fulfilling our duties to Him. Super natamaan ako nung sinabi niya about attending Sunday worship as a duty, kasi ito na ang hindi ko nagawa nung last months, the inexcusable reason of which is lagi akong "busy". Pero, totoo nga naman ang sinabi ni Pastor. Bakit lagi tayong "busy" sa mga affairs ng buhay natin pag si Lord na ang pinag-uusapan? Bakit parang hindi tayo makapaglaan ng time for Him, who should be put number one in our list of priorities? At, kung busy ka nga talaga, do you see yourself finishing the task when the day ends? Na-bless ka ba talaga? Natamaan talaga ako dun sa last 2 questions ko kasi yun talaga ang nangyayari pag hindi kami nakaka-attend ng family ko sa worship. I was so blessed that day, and I learned that we should always give time for Him, kasi Siya naman ang tumutulong sa atin to get on with our life, at kung gusto ka niya i-bless for doing your responsibilities to him, walang makakapigil 'nun. Which reminds me, kailangan ko nang magpa-baptize. One more responsibility I should do for the Lord. 3. Ultra Nice Movie @ IMAX! Pinanood namin yung Shrek: Forever After after nung nakaka-bless na church service. Ang ganda talaga ng movie na ito! I suggest you watch it too! Hindi kayo magsisisi sa 400+ na gagastusin mo sa IMAX, kasi talagang worth your time and money ang movie na ito. Syempre, hindi ko na ito ikekwento sa inyo, panoorin niyo na lang para masaya tayong lahat! And lastly... 4. UNIFOORRMM!!! I finally got my uniform from the tailor, and nung sinukat ko, grabe, lalo pa akong na-excite mag-all white for majors! Hope I could be clean enough to maintain the all-white... Ayoko maging dalmatian pag-uwi ko sa bahay. Namimiss ko na din yung mga friends ko sa college!!! Mich! Xtine! Marah! Teia! Ross! Pau2! Miss ko na kayoooooo!!! So ayun... updates as of now. It's a good life for us all, so don't waste it! Spend every second doing what you want to do with it as long as it lasts!!!
|
May 29, 2010
|
So, naglagay-lagay pa ako sa biological planner (aka BRAIN) ko na magpost dito everyday or so, but it seems like I could not live up to the task. So, ayun, nandito uli ako, hoping na maka-keep up ako sa mga mambabasa ko kung anumang kabalbalan ang nangyayari sa buhay ko. Well, not ALL kabalbalan, pero syempre, maraming bagay na fun-fun lang at may mga seryosong bagay din akong nagawa for the past days. Ngayong araw, I was able to help Papa sa paglinis ng bahay. Grabe, talaga palang super stressing ang maglinis ng bahay. Try niyo! Advisable siya sa mga tulad kong nasa 3 digits na ang weight (mapa-kilo man o pound) na gustung-gusto nang makabili ng damit sa Penshoppe, Bench, Oxygen, Human, at Marks & Spencer. Talagang tagaktak ang pawis mo sa pagwawalis, paglalampaso, at pag-aayos ng sari-saring furniture at pagtabi ng mga laruang kinalat ng kapatid mo sa sahig. Well, stressing siya sa una, pero super rewarding yung feeling mo sa huli, dahil para kang naging isa sa cast and crew ng isang show na lagi kong pinanonood sa local TV, ang "Clean House". Well, kung gusto niyo malaman kung anong show yan, magresearch na lang kayo sa net dahil tinatamad na akong ikwento sa inyo ang meaning nito (sorry naman, galing sa super aerobic workout si yours truly dahil sa paglilinis). Sa panonood namin ng TV ngayong gabi, isang bagay ang natuklasan ko ngayong araw. Sobrang (as in SOBRAng) hooked ang buong pamilya ko pag nanonood ng kahit anong skating sports. Nagsimula ito nung nanood kami ni Papa ng figure skating kahapon. So na-amaze naman ako sa mga skaters, at nagkaroon pa ng time na ginusto kong matuto ng figure skating. Kaso nga lang, sa kalagitnaan ng pagde-daydream ko na nag-ti-triple loop at triple salchow sa yelo ay may tumigil sa aking isang malaking weighing scale na ang dial ay nakatutok sa aking current weight at nabiyak ang yelong kinatatayuan ko, making me fall back to earth. Marami pa akong excess pounds na kailangang mawala sa system ko bago pa ako mag-asam na makasali sa kung anumang sport ang gusto ko. Moving on, ngayon naman ay nanood kami ng skateboarding (SKATEboarding) competition at talagang tinapos namin siya. Wow, so talagang hardcoare skating fans kami. Nag-browser change din ako. Google Chrome na ang gamit ko ngayon. Nakakatuwa kasi mabilis din siyang mag-load ng pages at may extensions na siya, making my browsing life a whole lot easier. Nakakatuwa din ang mga theme niya, at ang minimal design niya na talagang functional sa pag-browse ng matiwasay. Try Google Chrome now, you may love it! (Sige na, i-advertise ang Chrome... veeery nice) Birthday pala ni Mama yesterday. Na-send-an ko siya ng PowerPoint, at natuwa naman ako nung sinabi niyang natuwa siya sa nakakatuwang PowerPoint na natuwa ako sa outcome at kinatuwaan kong sinend (TUWA overload). Sobrang lakas din ng ulan sa amin kahapon, blessings siguro for Mama's birthday. Naramdaman niyo din ba ito? O sadyang sa Mindanao Avenue, Quezon City lang nagkaroon ng ganitong kalakas na ulan? Oh, well.... ito pa lang naman ang kwentuhang stress na mai-she-share ko ngayong araw. Stay tuned for more! Goodbye for now!
|
May 26, 2010
|
Okay, so welcome sa isa nanamang episode ng walang sawang kwentuhan sa 'Kwentuhang Stress' kasama ang inyong lingkod, Gino Lacsamana. (O siya, sige na, tama na ang radio announcer intro. Magkwento na, now na!) So, anu-anong bagay nga ba ang nangyari ngayong araw? Nung umaga, nagpunta nanaman ako sa ever-favorite kong Fitness First para mag-workout. Masaya kasi konti lang tao, hindi nakakastress kung talagang napapayugyog ng bonggang-bongga ang bilbil ko sa kakatakbo sa Rotex (FYI: Ang Rotex ay isang machine kung saan para kang tumatakbo, tapos may hawakan sa sides na nag-sa-side-to-side motion din pag tumatakbo ka na) tapos nagpunta ako sa taas na level para dun sa main workout. Pagkatapos nun, bumili na ako ng pagkain for my kapatid and I sa KFC at Tokyo-Tokyo (gusto daw kasi ng kapatid ko ng Hot Shots, okay carry lang, at ako naman for my walang kamatayang ninja wraps na beef at vegetable tempura) at kumain na rin pag-uwi ko. Pagdating ng hapon, naglinis na ako ng bahay, nagdilig ng halaman, at tinupi na ang sampay kasi nag-orogeny (short for mountain forming, o diba, thanks Dr. Marquez!) na ito sa sofa bed namin. So ayun, pagkauwi ni Papa ay may masarap na barbeque courtesy of Tom's at ang kapatid ko ay nagpakabundat sa Pixie's bangus. So ngayon, since tapos na lahat, not to mention na naka-experience din ako ng konting paglalaba, heto nanaman ako, nagkekwento sa mga mambabasang hindi ko alam kung ilan (o kung meron nga ba talagang mambabasa in the first place). Randomness naman tayo. Alam niyo ba na may isang bagay akong natuklasan sa Facebook ngayon? Thanks to my BFF, Christine Grace P. Gamboa, nalaman ko na meron na palang English(Pirate) language na available sa language choices. Punta ka lang sa baba ng Facebook page, i-click ang English(US) at palitan ito ng English(Pirate) at matuwa sa pagbabasa ng messages at comments ng inyong mga "'ye hearties" at "mateys", pati na rin ang mga kalandiang pinaglalagay mo sa iyong "litany" at laruin ang paborito mong mga "arrplications". Hindi kayo namamalikmata. Totoo po ang nababasa ninyo, mga friends. Matino at tunay na language ang Pirate English, pero ano nga ba ang linggwaheng ito? Sabi sa http://www.cindyvallar.com/lingo.html, ang mga pirata daw noon ay nagsasalita din tulad ng wika kung saan sila galing, yun nga lang, maraming jargon ang kanilang ginagamit, ang masama pa nito, iba-iba ang mga jargon na ito sa iba't-ibang bansang may pirata. So, pag nagsabi ka ng "Aaarrr!!" sa isang bansa, masaya ang ibig sabihin nun sa kanila, pero baka patayin ka na ng mga pirata sa kabilang bansa pag sinabi mo yun. Aaarrr!! Doon sa site na ibinigay sa taas ay may mga words and phrases sa pirate lingo na pwede niyo ring gamitin kung may gusto kayong pag-tripan, kung gusto niyong magmukhang pirata, o kung talagang wala ka lang magawa, tulad nito: "Dance the hempen jig!" Sumayaw ka naman. Pwes, nagkakamali ka. Ang ibig sabihin niyan ay ang pagbigti ng mga pirata, kumbaga, ang salita na yan ay ginamit na lang na euphemism para maging mas light ang meaning. At least, alam mo na na dapat kang matakot pag sinabihan ka niyan ng isang pirata, dahil baka makita mo na si Lord in a few minutes. O ayan! I hope may natutunan kayo ngayong araw (pero mukhang wala) sa isa nanamang post ko na kwentong totoo lang ang laman. Magpopost na lang uli ako bukas!
|
May 25, 2010
|
Ayan, welcome sa mas pinabago at mas pina-enjoy na blog ko, na syempre may bago nang title, "Kwentuhang Stress"! Marami rin ngayong maiiba na mga bagay-bagay sa blog ko, di tulad ng dati na parang ginamit ko lang ang blog ko para mag-post ng mga super interesting events. Well, para maging masaya ang buhay nating lahat, ginawa ko na lang pointers ang mga main changes at mga nag-remain sa blog ko. 1. Ngayon, Taglish na si blog. Nakakastress kaya magsulat ng full English lagi noh, parang lagi akong gumagawa ng term paper pag magpopost ng entry! Kaya nga tinawag na blog eh... para malaya at masayang makapagsulat! Plus points pa para sa national language (pagbigyan niyo na ako, Taglish naman eh!) 2. Try ko talagang araw-araw magpost, as in! Kung may mga stories, tulad ng dati, post ko din para masaya, tapos mga comedy and stressing moments, lahat na, ISULAAT!! Marami na yatang nangyayari sa life ko ngayon, share ko rin sa inyo para happy tayong lahat! 3. As usual, hindi pa rin ako nakaka-get-over sa palagiang pagpapalit ng blog layout, kaya huwag niyong aasahang ito na ang layout ko forever. Wala akong pakialam kung mahilo kayo sa pabago-bagong layout, basta masaya ako sa pagbabago nito (joke lang, hahaha!) 4. Hmmm... ano pa ba, feel ko wala naman nang bago! In the end, wala rin palang kuwenta ang paglalagay ko ng bullet form, may long explanation pa pala. At, hindi pa tayo nakakapunta sa main point ng paggawa ko nitong post. Syempre, kailangan kong muling magpakilala kasi nawala na lahat ng post ko (para ma-achieve ang full "pagbabago" effect!) so ito, mag-FAQ na lang tayo! Q: Sino nga ba ang nagsusulat ng blog na ito? A: Well, ang nagsusulat nito ay walang iba kundi si Gino Lacsamana, 18 years of age, taga-Quezon City (parang copy-paste lang ito sa profile ko ah!) Q: Anong kabuluhan ang ginagawa ni Gino sa buhay niya? A: Ngayon, incoming 3rd year BS Public Health student ako sa Unibersidad ng Pilipinas sa Maynila (3rd year.... tanda ko naaaaaa!) Q: Ano ang mga gusto mong gawin? A: Kung hindi ako nandito sa computer at nag-ba-blog, nasa PSP ako, naglalaro ng ever favorite ko na "Dungeon Siege: Throne of Agony". Kung hindi ako nasa PSP, nasa Fitness First ako for workout (kasi antaba ko na!) at kung wala talaga ako dito sa lahat ng nabanggit, nagiging masunuring bata ako, naglilinis, nagluluto, nagdidilig ng halaman, atbp. Q: Okay, so bilib ako dun sa first part, pero yung second part, WEEEEEHHH!!!! Ginagawa mo talaga yun??!! A: Hoy, oo noh! Sige punta kayo dito sa bahay para makita niyo! Q: As in? A: Totoo, promise, cross my heart! Q: Ows? A: Hay naku, bahala ka kung ayaw mong maniwala, basta alam kong totoo akong gumagawa ng household chores. Q: Sige na nga, pagbigyan na kita. Moving on, ano ang plano mo sa buhay pagkatapos ng BS Public Health? A: Since addictus ako sa degrees, gusto ko mag-Master of Public Health then on to DrPH. Masayang buhay ito (fake smile)! Tapos, pagkatapos ng Doctorate, mag----- Q: Okay, next question. Bakit "Kwentuhang Stress" ang title ng blog mo? A: Ahh, kasi lagi akong nalilink sa word na "stress". Lagi ko daw itong sinasabi sa school, sabi ng mga kaklase ko. Well, inaamin ko na lagi akong nagsasabi nito, pero hindi ito nangangahulugang lagi akong stressed. Alam niyo ba na may two types ng stress? Positive stress, which is "eustress" and negative stress, which is "distress". Pag nagsasabi akong "stress" 95% of the time ay eustress iyon. Hence the title, para madali itong ma-link sa akin ng mga mambabasa ko. Pangit din kasi kung "Kwentuhang Eustress" ang title. Nakaka-stress! Q: O siya, sige na, inaantok na kasi ako. Ito last question, Jejemon ka ba? A: Jejemon? Me? Of course not! Matino pa akong mag-spell noh! TuWlaD NitowW... DBa MatHiNow paH NmN PoUh I2nG SpElLinG nA ItowH? MaZayyA KaZC... (oops!) Pero seriously, di ako Jejemon. Jejebuster ako. Nakakahilo kayang mag-spell ng ganyan, masestress ka sa pagsulat pa lang, pag binasa mo pa, instant migraine na! Ayan, natapos din ang matagal na Q&A. HnD B KaIoU Na-zStrezss? (oops again) Hala sige, sa pagpost ko uli, which is about a matter of a few hours from now. Magandang madaling araw sa 'Pinas, magandang gabi sa Saudi (kasi nandyan si Mama, miss you Mama!) at magandang araw/tanghali/gabi (underline the correct word for the timezone you're in) sa buong sanlibutan!
|
|